Language Schools

 

Enska - English

 
 Franska - French

 

Filippínska - Philippine
 
Italska - Italiano
 
Japanska - Japanese
 
Litháíska- Lithuanian
 
Pólska - Polish

 

Portugalska - Portuguese

 
Rússneska- Russian
 
Serbneska - Serbian
 

Spćnska - Spanish

 
Tékkneska - Czech 

 

Hafa samband

modurmal@hotmail.com

 
 


Filippínska - Philippines group

               
Where: Hagaskóli
When: Saturdays kl. 10:00-12:00
For Whom: Children, 5-12
Supervisor:
Kriselle S. Cagatin
More Information:
7700469, kls5@hi.is
 
 

Mabuhay!
Malugod po naming inihahandog
ang programang Inang Wika o ‘Móđurmál‘!

Filipino (national language of the Philippines)

Tagalog (the name of the primary dialect)

Bisaya (another dialect that is spoken by several Filipinos in Iceland)

Ideally, we would be offering both Tagalog and Bisaya

Sa Enero 2010 magsisimula ang pagtuturo ng wikang Filipino kaakibat ng organisasyong Inang Wika sa lungsod ng Reykjavík. Sa ngayon ay dalawang wika pa lamang ang aming iaalay: Tagalog at Bisaya. Ang pagtuturo ng iba’t-ibang programa ng Inang Wika ay isinasagawa sa Hagaskóli, Reyjavík tuwing Sabado mula 10:00 hanggang 12:00. Nais naming ipaalam sa mga magulang na kakailanganin namin ang mga sumusunod na impormasyon kung nais ninyong ipasok ang inyong mga anak sa programang ito:

 

1. Pangalan ng magulang

 

2. Email o numero ng telepono

a. Pangalan ng anak

b. Edad

k. Lebel ng Tagalog o Bisaya (ito ay para malaman ng mga guro ang basehan sa pagtuturo)


Maari po ninyong ipaalam ang mga detalye sa email o numerong nakasaad sa ibaba.

Para sa mga karagdagang kaalaman:

Kriselle S. Cagatin – Tagapangasiwa at guro

Mag-email sa kls5@hi.is o tumawag sa 7700469

 

Tungkol sa Inang-Wika

Ang pagturo ng pangunahing wika maliban sa Islandes para sa mga kabataang may dalawang wika ay inaalok sa Islandiya mula taong 1994.  Maraming wika na din ang mga naituro sa mga nagdaang taon tulad ng Ruso, Ingles, Espanyol, Arabo, Tsino, Pranses, Polish, Thai at Hapon. Hanggang taong 2000, ang programang ito ay suportado ng Kagawaran ng mga Palakasan at Aliwan ng Reykjavík o Íţrótta og tómstundaráđ Reykjavíkur. Sa taong 2001, pormal na itinaguyod ang Samahan ng mga Magulang ng Kabataang may Dalawang-Wika upang magtatag ng programa ng iba’t-ibang wika na may malinaw na adhikain at alituntunin.

 

Ang layunin ng samahang ito ay ang mabigyan ang mga kabataang may ibang pangunahing wika maliban sa Islandes na matuto at mapanatili ang kanilang sariling wika at kultura. Naipapakita sa mga pananaliksik na ang mga kabataang nakapag-aral at natuto ng wika ng kanilang mga magulang ay mas madaling natututo ng bagong wika.

 

Ang Inang-Wika ay umaalalay sa mga guro ng samahan upang palaguin ang kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng dalawang pangunahing wika. Hinihikayat ng samahan ang mga magulang na bigyan ng pagkakataong matuto ng kanilang sariling wika at kultura ang kanilang mga anak.

Isa sa mga pangunahing tagapagtanggol at tagatangkilik ng samahang ito ay si Vigdís Finnbogadóttir, dating pangulo ng Islandiya.

 

Mga Guro
Halina at sumali! Malugod po naming tinatanggap ang sinumang may nais na magturo, umalalay o tumulong sa pagtuturo kasama namin.

 

  • Kriselle S. Cagatin (guro ng Tagalog)

Isang multi-kultural na tao

Nakakapagsalita ng Tagalog, Ingles at Islandes. Nakakaunawa ng Bisaya.

Nanirahan sa Manila sa unang 15 taon bago lumipat sa Islandiya

Ang mga magulang ay taga Samar at Leyte

Nagtapos sa Mababang Paaralan ng Háteigsskóli taong 2004

Tinapos ang International Baccalaureate Program sa Mataas na Paaralan ng Hamrahlíđ taong 2007.

 

  • Shaira Lou S. Cagatin (guro ng Tagalog)

Isang multi-kultural na tao.

Nakakapagsalita ng Tagalog, Ingles at Islandes. Nakakaunawa ng Bisaya.

Nanirahan sa Manila sa unang 14 taon bago lumipat sa Islandiya

Ang mga magulang ay taga Samar at Leyte

Nagtapos sa mababang paaralan ng Háteigsskóli taong 2005

Tinapos ang International Baccalaureate Program sa Mataas na Paaralan ng Hamrahlíđ taong 2008

Kasalukuyang kinukuha ang Antas ng Inhinyeryang Kemikal sa Unibersidad ng Islandiya

 

  • Marvi Ablaza Gil (guro ng Bisaya)

 

Karagdagang Kaalaman

Kriselle S. Cagatin – Tagapangasiwa at guro sa programa ng Filipino
Mag-email sa
kls5@hi.is o tumawag sa 7700469

Mga Kawing Panlabas

 

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) http://www.kwf.gov.ph/

 

Mother Tongue Based Multilingual Education (MLE) - Philippines http://mothertongue-based.blogspot.com/

Tagalog – ANG BAHAY-PAHINA NG WIKANG TAGALOG AT KULTURANG PILIPINO http://www.seasite.niu.edu/tagalog/ 

Forsíða   |  Námskrá   |  Um Móðurmál   |   Hopar   |   Hafa samband

Copyright (c) 2010 Moðurmál. All rights reserved.